Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagot sa quarantine: Kelot inatado ang bayaw

0 312

Pinaniniwalaang naburyong dahil sa community quarantine, pinagsasaksak hanggang sa napatay ang isang 32-anyos na lalaki ng kanyang kinupkop na kamag-anak sa kanilang bahay sa General Trias, Cavite.

Isinugod pa sa Gen. Trias City Hospital ang biktimang si Charie Mangyao, residente ng MS Building Brgy. San Juan 2, sa nasabing lungsod, dahil sa mga saksak sa katawan na tinamo mula sa suspek na si Clemente Duran, 49, binata.

Sa ulat ni PSSgt Ernesto Angue Jr., mahimbing na natutulog ang biktima at asawa nitong si Jane, 30, nang naalimpungatan ang babae at nakitang sinasaksak ang kanyang mister ni Duran.

Tinangka rin ni Duran na saksakin si Jane pero mabilis itong nakatakbo palabas ng bahay at humigi ng saklolo sa mga rumurondang tanod na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Ayon kay Angue, bayaw umano ng biktima ang suspek, at nitong mga nakaraang araw ay nakitaan umano ng pagkabangot si Duran dahil nasa loob lamang ito ng bahay.

“Kamag-anak ni Jane ang suspek at dinala sa kanilang bahay nitong buwan ng Pebrero upang maghanap ng trabaho pero naabutan ng lockdown kaya istambay siya at nagkukulong lang sa bahay”. ayon kay Angue. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.