Abante Tonite Interactive

Bagsak-presyo ng sine inaayos ni Bong

428

Ang ganda ng ibinalita sa amin ni senatorial candidate Bong Revilla nang makausap namin sa proclamation rally ni Pandi, Bulacan Mayoralty candidate na si Enrico Roque last Sunday.

Inaayos na pala niya ang pagpapababa ng presyo ng sine.

“Nagkakaroon na ako ng initial talks with the theater owners,” pagbabalita ni Bong. “Sinasabi ko sa kanila, “I think, we have to lower the price of theater.” Kung baga, natulungan ko naman sila noon sa amusement taxes nila na naibaba from 30%, nagawa nating mas mababa. So siguro naman, it’s high time, it’s for their own good ‘yung gagawin natin. Kung ayaw ng foreign films na ibaba, ‘yung local films, ibaba natin.”

Sinabi rin ni Bong na malaki raw ang pag-asa na maisakatuparan ito kaya nakakatuwa naman.

Sa nakaraang interview namin kasi kay Bong matapos niyang lumabas ng piitan, nabanggit niyang susubukan niyang pababain ang presyo ng mga cinema at nakakatuwang gumagawa na siya ng aksyon tungkol dito.

Sa movie industry lumaki si Bong dahil artista nga rin ang kanyang amang si Mang Ramon Revilla, Sr. at dito rin siya sumikat din bilang isang action star.

Nami-miss na nga rin daw niyang umarte at siniguro naman niyang tatapusin lang niya ang eleksyon at ang paggawa naman ng pelikula ang kanyang aatupagin.

“Ito ang bread and butter ko, eversince, kaya nga hindi rin ako bumibitaw dahil ‘yun ang aking bread and butter,” he said.

Samantala, napakasipag mangampanya ni Bong kahit na nga ba kung tutuusin, dapat ay kampante na siya dahil sa latest survey ng SWS ay lumabas na pang-anim siya.

Kapag nag-iikot daw siya at nakikita ang napakainit na pagtanggap sa kanya, nawawala raw lahat ang pagod niya.

Pagbibiro pa niya, “ang masama, kung pupunta ka (sa isang lugar), tapos ‘di ka naman pinapansin. Pagod ka na, ‘di ka pinansin,” sabay tawa.

Kapansin-pansin na nangitim na nga rin si Bong sa kaiikot pero biro niya, cute pa rin naman daw siya na totoo naman.

Sa tanong kung sa tingin ba niya ay nararamdaman niya pa rin ang agimat ng isang Revilla, naka­ngiti niyang tugon, “ayoko namang magbuhat ng sariling bangko, pero sa tingin ko nandu’n pa rin ang pagmamahal. Na-miss nila ako.”
***

Kahit flop ang pelikula mababawi

Sa tatlong taong pagkawala ni Enrico Roque sa posisyon, nagtayo siya ng movie production. Isa siya sa producer ng Cineko. First movie nga nila ang ‘Mang Kepweng Returns’ ni Vhong Navarro noong 2017.

Ngayong Mayo ay nakatakdang ipalabas ng Cineko ang ‘Man And Wife’ starring Jodi Santamaria and Gabby Concepcion.

In production ngayon ang Black Lipstick na pagbibidahan ni Kyline Alcantara.

Hindi naniniwala si Enrico na dying ang movie industry ngayon dahil marami pa nga raw avenues ngayon.

“May digital, pwede mo ring ipasa sa Netflix. Sa sinehan, kahit hindi ka kumita, bawi ‘yan. TV rights lang, bawi ka na. Ang kailangan ng producer ngayon, magtipid na hindi naman masa-sacrifice ang quality.

“Masaya nga ang movie industry ngayon dahil ang daming nagpo-produce,” pahayag pa ng may-ari ng Amana Waterpark na isa sa mga tourist spot sa Pandi, Bulacan at tumatakbong alkalde.