Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagsik ng Delta variant humina sa NCR

0 67

Natatalo na ang Delta variant ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at unti-unti nang humihina ang kontaminasyon nito.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Dr. Guido David ng OCTA Research sa harap ng pagbaba ng mga kaso ng COVID sa Metro Manila.

Sinabi ni David na patapos na ang pananalasa ng Delta variant sa NCR at sa mga karatig lalawigan at nalalapit na aniya ang `end game’ laban sa mabagsik na COVID variant.

“Nama-manage natin ang cases sa Metro Manila at ang tingin nga natin, patapos na iyong Delta variant sa Metro Manila at sa surrounding areas sa Calabarzon, sa Central Luzon, iyong tinatawag nating end game ng Delta variant,” ani Guido.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Subalit kailangan pa rin aniyang paigtingin ang mga pinaiiral na health protocol dahil mataas pa ang mga kaso ng COVID sa ibang lugar katulad ng Region 2 o sa Cagayan Valley.

Pero sa kabuuan, ani Guido, ay maganda na ang nakikita nilang trend sa buong bansa at umaasang magtuloy-tuloy na ito sa mga susunod na araw.

“Overall, sa buong Pilipinas, maganda iyong nakikita nating trend at mag-a-average na rin tayo ng four digits na lang sa buong Pilipinas by this week hopefully,” dagdag ni Guido.

Ang malaking pagbaba aniya ng mga kaso ng COVID ay epekto ng vaccine rollout at ang granular lockdown na naging epektibo sa nakalipas na tatlong linggo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.