Abante Tonite Interactive

Baguhang singer chaka ang retokadong ilong

456

tonite-this-is-it-roldan-castroBulung-bulungan sa blogcon at presscon ng isang baguhang singer ang retokado niyang ilong. Halata kasi. Nakaka-distract habang ini-interview ito at nakikita ang butas ng nose.

Dapat ay ipaayos niya ‘yun sa mahusay at sikat na cosmetologist. Chaka ang pagkakagawa. Walang masama na magparetoke at gustong gumanda pero sana ‘yung hindi obvious na peke.

Natawa na lang kami dahil ilong talaga ng singer ang napansin ng press, ganoon din nu’ng i-post namin ang interview sa kanya sa Roldan Castro YouTube Channel.

Comment ni Lolit Miranda, “Nparetoke n ang ilong.”
‘Yun na!
***

8 tsinugi agad
sa ‘StarStruck’

Grabe ang twist sa pagsisimula ng “StarStruck 7” sa June 15 sa GMA-7. Ka-kabog agad ang dibdib sa nerbyos dahil walo agad ang matsutsugi sa unang episode.

Sa 22 hopefuls, Final 14 ang maiiwan at magpapasiklaban para ma-ging Ultimate Female at Male Survivors.

Sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado ang magiging hosts. Ang “StarStruck” council naman ay sina Heart Evangelista, Ms. Cherie Gil at Jose Manalo. Join din si Kyline Alcantara bilang host ng Starstruck’s online show, “Inside StarStruck.” Nagsimula na ito nu’ng June 10 sa official YouTube channel ng show tuwing 6PM.

Mapapanood ang “StarStruck Season 7” tuwing Sabado pagkatapos ng “Daddy’s Gurl” at tuwing Linggo after “Daig Kayo ng Lola Ko” sa GMA-7.
***

Alden ayaw
pauwiin ng
babaeng dinalaw

Talagang lovable at charming ang Pambansang Bae na si Alden Richards. Recently kasi ay nakipag-bonding ang Kapuso actor sa cute na cute na anak ni Dra. Vicki Belo na si Scarlet Snow.

Mapapanood sa video na pinost ni Dra. Belo sa Instagram na nag-enjoy talaga si Scarlet na makipaglaro kay Alden.

Nalungkot nga ito nang magpaalam na ang aktor sa kanya kaya naman ang higpit ng yakap ni Scarlet kay Alden dahil ayaw niya itong pauwiin. Nag-promise si Alden na mas tatagalan niya ang pagbisita sa kanya next time.

Ipinost din ni Alden ang larawan nilang dalawa sa kanyang IG na may caption na, “Don’t be sad @scarletsnowbelo. I’ll be right back.”