Abante Tonite Interactive

Baguhang singer mukhang tibo

402

May isang m­agaling na baguhang singer na produkto ng isang singing search na nakitaan ngayon na mukhang susunod sa mga yapak ni Jake Zyrus.

Noong una ay girl na girl ito, kahit maliit lang pero maganda magdala ng damit, super cute tingnan, pero ngayon iba na ang damitan niya.

Nag-iksi ng buhok, at ang pormahan ay mukhang papunta na sa mga kauri ni Jake Zyrus.

Sa isang showbiz event kamakailan, isa sa mga performer si female singer na mukhang titibo-tibo na rin. Birit kung birit siya na parang si Charice Pempengco noong araw pero ang get-up, pang That’s My Tomboy na.

Hindi nakatiis ang isang taga-showbiz sa kanyang nakita at tinanong niya ito kung baka papunta na siya sa kampo ni Jake Zyrus pero ngumiti ito at ang sabi, “babaeng-babae po ako Tito. Image ko lang po ito,” sabi niya.

Eh ‘di sige, paniniwalaan natin siya.

Although wala namang masama sa naging desisyon ni Charice Pempengco na magpaka-tomboy at magpaka-lalaki na kaya lang ang nagsa-suffer naman ay ang kanyang career at lately, kung ano-ano ang naririni­g natin na pinagdaraanan ni Jake Zyrus na may kinalaman sa pinansyal. (Timmy Basil)