Abante Tonite Interactive

Baguhang young aktor sanay pumatol sa bakla, matrona

0 574

Hindi pa man umiinit ang puwet sa showbiz ng isang baguhang young actor (BYA) ay kung kani-kanino nang madadatung ito nali-link.

Isang yayamaning matrona (YM) ang balitang benefactor ngayon ni BYA at ang sarap ng buhay niya dahil madatung talaga si YM.

Sagot ni YM ang mga luho ni BYA at suportado nito maging ang budding showbiz career ng binata.

May nagpadala sa amin ng video ni YM at kita mong ang layo talaga ng agwat ng edad nito kay BYA.

As in magtiyahin o mag-ina ang peg ng dalawa, pero walang kebs si YM at proud ito sa pagkaka-link sa mas batang lover nito.

Delicious ang da-ting ni BYA na balitang dakila ang nota kaya mukhang enjoy na enjoy sa kanya si YM.

In fairness ay aware si BYA na malakas ang sex appeal niya at alam niya kung gaano gamitin ang kanyang physical assets lalo na ang pagiging ‘gifted’ niya.

Mukhang sanay sa ganitong kalakaran si BYA dahil bago pa si YM ay nanggaling na pala siya sa isang yayamaning bading (YB).

From rich badinggerz to rich matronix ang pag-level up ng ‘career’ ni BYA na kebago-bago sa showbiz ay parang sanay na sanay na sa pagpatol sa mga rich benefactor.

At ang nakakalerky, ang naunang benefactor ni BYA na si YB ay dati rin palang nag-alaga sa isang chinito young actor (CYA).

As in dumaan din pala sa mapagpalang mga kamay ni YB si CYA, na in fairness ay okey na ang takbo ng showbiz career ngayon.

So bale si BYA ang nagmana ng iniwang puwesto ni CYA sa puso at puson ng nasabing rich gay.

Pero nagtapos na rin ang pink romance na ‘yon dahil si YM na nga ang nagpapasasa sa kasarapan at kadakilaan ni BYA ngayon!

PAK!!

Iza na-trauma sa ‘panganganak’

Na-trauma pala si Iza Calzado nang manood siya ng birthing videos sa YouTube.

Actually, dapat pala ay manonood siya ng live birthing o aktuwal na nanganganak, pero nagbiyahe kasi siya at ang hirap dawkasing tiyempuhan kung kailan manganganak ‘yung contact nila.

Ginawa niya ‘yon in preparation para sa Cinemalaya 2019 entry niya na “Pandanggo sa Hukay” na isang midwife o komadrona ang role niya.

“So please, don’t watch bir-thing videos. I wouldn’t recommend it, lalo na if you wanna have a child. Baka ma-traumatize ka,” natatawang b­ulalas ni Iza.

“Hindi naman, but you’ll get a little an-xious. Kasi, like s­eeing it upclose? On YouTube, they have it, ah? I was surprised nga eh na, ‘Oh, it’s quite graphic but it’s on YouTube!’

“Because it’s not sexual, it’s a natural process. So it’s very upclose and it looks very painful.”

Biro ni Iza, kung dati ay excited na siyang magkaanak sila ng mister niyang si Ben Wintle, medyo nagbago raw ‘yon dahil sa video na napanood niya.

Dinescribe niya sa amin ang graphic video na pinanood niya at maging kami ay parang na-stress din.

Maganda raw ‘yung water birth, naiyak siya dahil emotional ang napanood niyang video na gano’n, pero ‘yung sa ospital ay na-stress talaga siya.

Kaya raw mga isang taon pa ang palilipasin niya to flush out the trauma.
Pero traumatic man daw ang dating nu’n sa kanya ay nakamamangha pa rin daw ang panganganak at sobra ang paghanga’t respeto niya sa mga kababaihang nagsisilang ng sanggol.

Gusto ni Iza ng na-tural delivery at ayaw niya ng caesarean hangga’t maaari, pero basta buhay raw sila ng anak niya ay okey na sa kanya kahit ano.

Next year pa niya gustong mabuntis dahil ang dami niyang nakatakdang gawin this year.