Abante Tonite Interactive

Baguilat inabsuwelto dahil sa nilumot na kaso

By
1,029

Pinagtibay ng Sandiganbayan Fifth Division ang pag-abswelto sa kasong graft laban kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr.

Ibinasura ng Sandiganbayan ang nauna nang motion for reconsideration na inihain ng prosekusyon, bunga nito ay pinal na ang desisyon ng graft court na nagpapawalang sala kay Baguilat.

Si Baguilat ay una nang kinasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act matapos maki­pagsabwatan umano sa isang Jose Man Singh nang ito ay gobernador pa ng Ifugao para sa pagbili ng isang se­cond-hand Isuzu Wa­gon Trooper noong 2003 sa halagang P900,000 nang hindi dumadaan sa public bidding.

Batay sa records, September 24, 2009 lamang inihain ang kaso sa Ombudsman at February 9, 2018 lamang naisampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan.

Dahil sa delay sa paghahain ng kasong graft ay kinatigan ng Sandiganbayan ang motion to dismiss ni Baguilat.
Ikinatwiran ng prosekusyon na hindi sila ang may kasalanan sa delay kundi ang Commission on Audit subalit hindi ito kinatigan ng Sandigabnayan. (Tina Mendoza)