Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baguio, Boracay dinayo sa pagbukas ng turismo

0 300

Nagbukas na para sa mga bisita ang Boracay Island at Baguio City nitong Huwebes.

Unang batch ng mga bisita sa summer capital ng bansa ang nasa 38 guest mula sa Ilocos region.

Nasa 28 na travel request naman mula sa mga turista, karamihan mula sa Metro Manila, ay ni-reject sa Baguio dahil eksklusibo lang ang tourism bubble sa mga residente ng lungsod at mula sa mga probinsya sa Ilocos region.

Sa Boracay, sinabi ni acting Malay Mayor Frolibar Bautista, na ilang turista ang nagkansela o nag-postpone ng kanilang trip habang hinihintay ang resulta ng kanilang real-time reverse transcription-polymerase chain reaction test.

Magugunitang maliban sa mga bisitang mula sa Western Visayas, ang mga turistang mula sa mga lugar na nasa general community quarantine o modified GCQ lang ang pinapayagang makapasok sa Boracay. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.