Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baguio dinumog ng mga bakunado

0 104

Unti-unti nang bumabalik ang sigla ng mga negosyo sa Baguio City, kasunod ng pagbubukas ng lungsod sa mga fully-vaccinated na turista.

Ayon kay Baguio City Tourism Office (BCTO) officer Alec Mapalo, malaki umano ang pagbabago ngayon kumpara noong naka­lipas na taon dahil sa lockdown dulot ng CO­VID-19.

“Ngayon sumigla ang ating mga negosyo dito, at malaking pagbabago noong naka-lock­down tayo noong mga nakalipas na buwan,” ani Mapalo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“So nakita even ‘yong ating mga recreation con­cessionaires natin sa Burnham Park natin, ‘yong sa boating at sa biking, dumami,” dagdag niya.

Full capacity na aniya ang boating activities, at maging mga restaurant sa Session Road ay dama na rin ang epekto ng pagdating ng mga turista.

“Sabi nga ng iba, halos wala dati. Kaya natutuwa naman po ang ating mga businessman ngayon, mga tourism establishments at lalo na ‘yong mga hotel.” (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.