Abante Tonite Interactive

Baguio hindi isasara sa 3 taon rehab — DOT

307

Siniguro ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na magiging bukas sa turista ang Baguio City habang sumasailalim sa rehabilitasyon.

“We will not close Baguio, how can you close it?” sabi ng kalihim sa ginawang briefing.

Kabilang sa rehabitasyon ang pagsasaayos sa Burnham Park, city market, Mines View Park, Sewage Treatment Plant at dating dumpsite sa Brgy. Irisan na ginawa nang Environment Recycling System.

Sinabi pa ni Puyat na ang proyektong ito ay bahagi ng plano ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para maia­yos ang mga sikat na lugar sa bansa.

“To instill the culture of responsible tourism and attain sustainable tourism,” dagdag ni Romulo-Puyat.

Nagsimula ang rehabilitasyon sa Boracay na sinundan ng Coron at El Nido sa Palawan, Bohol at ngayon ay sa Baguio.

“Rehab is possible if a local government unit is very cooperative and this is evident in Baguio… This is just the beginning, we can capture the former glory of Baguio,” ani pa nito.

Samantala, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na iba ang rehabilitasyon sa Baguio at Boracay, dahil ang nasabing lungsod umano ang nangu­nguna sa programang ito.

“We are here to determine how the national government will help in the rehabilitation,” sabi ni Año. (PNA)