Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baguio LGU napuno sa makupad na Converge service

0 111

Inatasan ng Baguio City Council ang Converge ICT Solutions Inc., na pag-aari ni Dennis Anthony Uy, para magsumite ng kanilang plano para mapabuti ang internet connection nito, matapos makatanggap ng reklamo dahil sa palpak umanong serbisyo.

Ilang mga residente na subscriber ng kompanya ang naghinaing hinggil sa mabagal o putol-putol na internet connection at hindi mabuting customer service. Kaya naman pinagsusumite ng local government ang Converge ng kanilang technical and business plan sa loob ng dalawang linggo.

Inutusan din ng lungsod ang kompanya na kumuha ng mga empleyado sa lungsod na tutugon sa mga reklamo ng mga kostumer. Isa kasi sa mga inireklamo sa Converge nang pumalpak ang serbisyo nito ay ang kakulangan ng customer service.

Sinisi ni Converge ICT head of business center and transition group Jan Meneses ang pagkawala ng internet kamakailan sa pagkakaputol ng linya nito sa Tarlac. Ayon kay Meneses, inaayos na ng mga tauhan ng Converge ICT ang problema at inaasahan nitong maayos na ang problema sa katapusan ng Nobyembre. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.