Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baguio mangunguna sa antigen testing

0 124

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang protocol sa pilot use ng rapid antigen test sa Baguio City.

Kabilang ang kautusang ito sa IATF Resulution 73 na inaprubahan nitong Martes. Sa ilalim nito, magsasagawa ng test sa mga nakasalamuha ng kumpirmadong COVID-19 patient sa mga lugar na naitalang nagkaroon ng kumpulan ng mga kaso.

SM food to go Banner Ad

Ito rin umano ang magiging requirement sa mga domestic tourist at mga pupunta sa lungsod na may essential travel, na kasama sa napagkasunduan ng Baguio City local government unit at Department of Health (DOH), na may patnubay ng departamento.

Sanib puwersa ang DOH, Department of Tourism, at World Health Organization sa patuloy na pagbibigay tulong sa Baguio City para rito. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.