Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baguio, Metro Manila todo sa lamig

0 137

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na naitala ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City at National Capital Region (NCR) ngayong taon.

Sa naitala ng Pagasa, ang temperatura sa Baguio City ay bumagsak sa 11.4 Celsius bandang alas-4:50 ng umaga habang sa Science Garden monitoring station ng kanilang tanggapan sa Quezon City ay nakapag-record ng 20.4 Celsius dakong alas-6:15 ng umaga.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa state weather bureau, ang malamig na temperatura ng hangin ay bunsod ng amihan season at maaaring magtagal pa hanggang Pebrero 2022.

Kabilang sa nairekord na may low air temperatures nitong Linggo ng umaga ay ang Basco, Batanes na may 17.0°C, Tanay, Rizal (17.8°C), Casiguran, Aurora (18.8°C), Tuguegarao City, Cagayan (19.0°C), Abucay, Bataan (19.1°C), San Jose, Occidental Mindoro (19.6°C), Malaybalay, Bukidnon (20.0°C), at Baler, Aurora na may 20.6°C. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.