Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baguio nasa pangalawang wave ng COVID

0 370

Kinumpirma ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nakakaranas ng 2nd wave ng COVID-19 outbreak ang lungsod, makaraang makapagtala muli ng mga panibagong kaso.

“We have to be very transparent, tinatamaan kami ng 2nd wave ngayon dahil ito nga lang Sunday, 15. In two days, Saturday, Sunday tinamaan kami ng 14 to 15 na kaso,” ani Magalong sa panayam ng DZMM.

Walo umano sa mga tinaaman ng virus ay empleyado ng bangko. Sinabi ni Magalong na nakita na nila ang posibilidad ng pagtaas ng kaso, tatlong linggo na ang nakalipas kaya agad silang nagsagawa ng expanded testing.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Last month, mayroon kaming programa na 10 percent per sector, naging ok po ‘yun, maganda ‘yung resulta. Inulit namin, different sector naman pero iba-ibang sub-sector naman, granular ginawa namin. Dito namin nakita talaga ‘yung 14 to 15,” sabit ng alkalde.

Dagdag pa ng mayor na ang mga kaso ay kombinasyon na umano ng pagkahawa mula sa stranded na katao, returning overseas Filipino workers at community transmission. Isa ring pinoproblema nila ngayon ang mga dealer ng mga gulay at mga isda na bumabiyahe sa labas ng Baguio City.

Sa lungsod, dalawan lang umano ang napaulat na namatay dahil sa virus. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.