Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baguio opening sa turista Oktubre 1 na

0 91

Pinagpaliban ni Mayor Benjamin Magalong ang pagpapapasok ng mga turista mula sa Region 1 sa Oktubre 1 dahil sa pagtaas ng coronavirus case sa ilang lugar dito.

Nakatakda sanang magbukas ang lungsod para sa mga turista nitong Setyembre 22. Pinag-aaralan din ng alkalde ang pagpapatupad muli ng liquor ban, matapos ang napaulat na naging dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar ang pag-iinuman.

“What happened at Slaughterhouse and Ferdinand barangays must not be disregarded but we also have to consider the economic repercussions of implementing another liquor ban at this time when businesses are struggling to recoup their losses,” paliwanag ni Magalong.

Aniya, imbes na pag-ban sa pagbebenta ng alak at pag-inom nito, ay maghihigpit na lang ang city government sa monitoring at pagpapasunod sa mga residente sa mga health protocol. Dagdag pa, nais umano nilang sumabay sa pagbubukas ng iba pang tourist spot sa Region 1 sa Oktubre 1 din, kabilang na ang Ilocos Norte.

Simula sa susunod linggo, hanggang 200 na turismo lamang kada araw ang matatanggap ng lungsod sa kanilang pagbubukas sa turismo. “Sinusunod namin iyong aming framework na tinatawag na 3S: surely, safely and slowly. It will be a calibrated and graduated opening ng aming tourism industry,” ani Magalong. (Issa Santiago/Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.