Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baguio punung-abala sa Ms Universe PH

0 93

Magiging punong-abala ang Baguio City local government unit (LGU) sa online coronation ng 2020 Miss Universe Philippines sa October 23, 2020 na gaganapin sa Baguio Country Club, Cordillera Convention Hall.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang 48 na contestant ng Miss Universe title ngayong taon ay darating “by batches” at makikilahok sa photo-shoot sa mga Benguet tourist spots.

Siniguro ni Magalong na ang mga organizer at kalahok ay dadaan sa basic border protocol at triage bago pumasok sa siyudad.

Ang mga contestant ng nasabing patimpalak at ay manunuluyan sa City of Pines mula ngayong araw (October 15) hanggang sa 25 habang ang coronation ay gagawing close door. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.