Abante Tonite Interactive

Baguio tutulong sa 75 referee ng basketball

0 286

Kinukunsiderang saklolohan din ng Baguio City Council ang 75 katao na bumubuo sa Baguio-Benguet Basketball Referees Group (BBBRG) makaraang makiusap din ng ayuda dahil sa paghaba pa ng enhanced community quarantine (ECQ) sa pag-iwas sa pandemic coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang ginarantiyahan ni Councilor Levy Lloyd Orcales na siya ring chairman ng city council committee on youth and sports at Sangguniang Kabataan president sa liham ng grupo ng reperi na pinangungunahan ni coordinator Bartolome Empleo Jr.

Ang BBBRG ang nag-o-officiate sa Baguio Benguet Educational Athletic League (BBEAL) na nagkansela ng Season 33 noong Marso nang pasimulang ipatupad ang ECQ sa Luzon dahil sa global outbreak.

Unang tinamaan na rin ang refs, coaches at trainers sa pagpapaliban ng Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) meet na iho-host ng Summer Capital noong Pebrero.

Ipinahayag sa nakalipas na linggo ni Baguio Mayor Benjamin Magalong ang planong P100M stimulus package para masuportahan ang sektor ng sports sa City of Pines sa pagkatok din ng assistance ng workers ng “no work, no games, no pay” status mula sa Samahang Basketbolista ng Pilipinas (SBP) at Basketball Referees of the Philippines (BRP). (RCruz)

Tonite – Wendys Inhouse Ad