Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagunas, Espejo bibida sa Japan

0 84

Muling magpapasiklab si Bryan Bagunas sa Oita Miyoshi Weisse Adler sa 55th V.League 1 2021-22 na kabubukas lang sa Japan.

Sa Instagram ng Japanese men’s indoor volleyball club nitong Lunes, kasama na muli ang 23-year-old, 6-foot-4 Pinoy import buhat sa Batangas ng koponan makaraang makalabas ng quarantine.

Pangatlong tour of duty na ito ng outside spiker na bigong mag-podium finish nitong 2020-21 nang lumagak na pang-10 ang team. Una siyang sumalang sa liga noong 2019-20 season.

Nasa V.League 1 sa taong ito din si Marck Jesus Espejo, 24, ng Marikina, na magsisilbi ring reinforcement para naman sa FC Tokyo.

Kasama ang dalawang balibolista sa PH 6 na sumungkit nang makasaysayang silver medal sa 2019 Southeast Asian Games sa bansa.

‘Di sila makakalaro sa Team Rebisco sa 11th Asian Men’s Club Volleyball Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa parating na Oktubre 8-15. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.