Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagunas, Espejo pasiklaban

0 191

Magsasapawan sa isa’t-isa sina Bryan Bagunas ng Oita Miyoshi Weisse Adler at Marck Jesus Espejo ng FC Tokyo sa 55th Japan V.League 2021-22 eliminations sa Oita City Osu General Gymnasium sa Oita Prefecture ngayong Biyernes ng alas-6:00 nang gabi.

Patok ang host team na nasa eight spot sa 1-5 win-loss record laban sa Tokyo na isa sa dalawang team na may 0-6 sa 10-team men’s indoor volleyfest. Pero parehong galing sa olats ang magkabilang kampo.

Taob ang Miyoshi kontra Toray Arrows sa nakaraang Linggo, 17-25, 18-25, 25-22, 16-25, kung saaan nagkontribyut ng walong puntos ni Bagunas, habang lupasay ang FC laban sa Wolfdogs Nagoya, 24-26, 23-25, 25-23, 25-21, na rito’y nakaanim na puntos si Espejo. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.