Abante Tonite Interactive

Bagunas humarabas vs Vietnam

338

PH 6 NANALASA

Back-to-back wins si Bryan Bagunas at ang national men’s volleyball team, tinaob ang Vietnam via 25-20, 25-21, 25-12 win sa men’s volleyball ng PH 30th Southeast Asian Games 2019 Miyerkoles nang gabi sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Umangat na sa 2-0 ang marka ng national squad sa Group B ng torneo kung saan pasok narin sa semifinals ang mga ito.

Bumida sa hambalusan si Bagunas na nagtala ng 22 points habang bumakas si Marck Espejo ng 13 markers sa 11-nation, 12-day biennial sportsfest.

Related Posts

Sa huling set bumulusok ang Pinoy spikers 14-3 sa natulirong Vietnamese, na consistent semifinalists sa SEAG. Mula roon, ‘di na lumi­ngon pa.

“Sobrang saya kasi alam ko ito yung huling nakapasok yung Pilipinas sa Final 4 kasi last pa natin is 1991′. Yun sobrang tuwa na na-achieve namin yung makapasok ngayon sa Final 4,” ­bigkas ni national coach Dante Alinsunurin.

Nanguna naman sa opensa ng Vietnam si Thanh Thuan Tu na may 15 pts.
Sunod na makakaharap ng Nationals bukas, Disyembre 6 ang Indonesia (2-0) sa alas-sais nang gabi sa parehas na venue. (Janiel Abby Toralba)