Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagunas isasampa Oita

0 37

Papanhik pa ng katayuan si Bryan Bagunas at ang Oita Miyoshi Weisse Adler sa paggapos kontra Panasonic Panthers sa pagtutuos sa 55th Japan V.League 2021-22 regular round sa Panasonic Arena sa Hirakata City, Osaka Precture ngayong Sabado ng ala-1:00 ng hapon.

Niresbakan ng Pinoy import at Oita noong Linggo ang Saturday tormentor VC Nagano Tridents 23-25, 26-28, 25-20, 25-16, 16-14, kung saan kumamada siya ng 22 points.

Bumida sa Miyoshi si Kenta Koga na nagtala ng 27 markers samantalang bumakas si Kota Yamada ng 18 puntos.

Kasalukuyang may hawak na 3-13 win-loss slate ang Oita Miyoshi para sa pangsiyam na puwesto sa 10-koponang liga habang may 10-6 card ang katabla sa pang-apat na Panthers.

Sasalang din sa parehas na oras sa araw na ito si Marck Jesus Espejo at ang pumapangwalong FC Tokyo (4-12) na tatakas sa tatlong olats laban sa kulelat na VC Nagano (1-15) sa Sumida City General Gymnasium sa Tokyo Prefecture. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.