Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagunas, Oita rumesbak

0 151

Pasiklab si Bryan Bagunas upang ihatid ang Oita Miyoshi Weisse Adler sa pag-ungos kontra VC Nagano Tridents, 23-25, 26-28, 25-20, 25-16, 16-14, sa 55th Japan V.League 2021-22 regular round sa Cycle Shop Kodama Osu Arena sa Oita City Linggo ng hapon.

Kumayod ang Pinoy import ng 22 points, 17 mula sa atake, 4 na kill block at 1 service ace upang iresbak ang kampo sa pagyukod Sabado sa kalaban at isampa ito sa 3-13 win-loss record, tama para sa pangsiyam na puwesto sa 10-team men’s indoor volleyfest.

May 27 markers si Kota Yamada at umiskor ng 18 si Kenta Koga upang balyahin ang biktima sa 1-15 sa pagkabaon sa ilalim sa pagkawalang saysay sa 22 puntos ni Indonesian import Rivan Nurmulki.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bumalikwas si Bagunas at mga kasama sa two sets down Matapos nang sumingasing sa third stanza, at ipinagpatuloy sa fourth-fifth para sa come-from-behind victory.

Nabalewala naman ang ambag na 13 pts. ni Marck Jesus Espejo (4-12) nang ma-weekend -sweep ang FC Tokyo ng Panasonic Panthers (10-6), 25-18, 22-25, 25-17, 25-17, para sa third straight loss.

Magbabalik sa playing court sina Baguna, Espejo at kanilang mga team sa darating na Enero 15 at 16 sa magkahiwalay na mga katunggali. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.