Abante Tonite Interactive

Bagyong Amang LPA na lang

248

Bahagyang bumagal ang galaw ng bagyong Amang na ngayon ay low pressure area na lamang habang tinutumbok nito ang direksyon papuntang Eastern Samar.

Base sa pinakahuling weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) alas-kuwatro kahapon nang hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa hilaga ng Catarman, Northern Samar.

Nakataas ang warning signal no. 1 sa mga lalawigan ng Sorsogon, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Biliran at Leyte at makakaranas din ng mga pag-ulan sa Catanduanes, Camarines Sur at Albay.

Samantala, tiniyak ng Malacañang ang kahandaan ng lahat ng ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa disaster preparedness at relief operation.