Abante Tonite Interactive

Bagyong Dante malakas, mabilis

By
12

Napanatili ng bagyong Dante ang taglay nitong lakas at bahagyang bumilis habang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Kagabi ay inaasahan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na pumasok sa teritoryo ng bansa ang naturang bagyo na pinangalanang ‘Dante’.

Kasabay nito ay hindi inaalis ng PAGASA ang posibilidad na lumakas at umangat pa ang kategorya sa Tropical Storm.

Pero ayon kay Rene Paciente, Senior Weather Specialist ng PAGASA, maaaring humina ang bagyong Dante at maging Low Pressure Area (LPA).

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,285 kilometro sa Silangan ng Southern Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na hanggang 55 kph at may pagbugsong aabot ng 65 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 13 kph.