Abante Tonite Interactive

Bagyong Ester lumakas habang palabas ng bansa

By
1,928

Bahagya pang lumakas ang bagyong Ester habang papalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa weather bureau, ang bagyong Ester ay huling namataan sa Northwest ng Basco Batanes taglay ang lakas ng hanging nasa 60km, bugso na 100kph.

Inaasahang lalabas ito ng PAR Biyernes ng gabi o Sabado nang umaga at habang pa-exit ng bansa ay lalo nitong hahatakin ang hanging habagat na magdudulot ng pag-uulan sa bahagi ng Luzon.

Ang sentro ng bagyong Ester na may international name na Gaemi ay nagpapaulan sa Southern Taiwan gayundin sa Sabah, Malaysia.

Unang isinailalim sa storm signal no. 1 ang Batanes subalit tinanggal din ito ng PAGASA at wala nang tropical cyclone warning na ibinaba.