Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagyong `Julian’ bumilis, pa-Japan na

0 150

Bumilis pa ng bahagya ang kilos ng bagyong Julian na nananatili sa karagatan ng bansa.

Ayon sa PAGASA, si `Julian’ ay kumikilos na papuntang Miyako at Okinawa Islands, sa Japan.

Huling namataan ang bagyo sa layong 710 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers bawat oras.

Mamayang gabi o bukas ng umaga ay inaasahang lalabas na ito ng Pinas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.