Abante Tonite Interactive

Bagyong Julian palabas na

By
10

Habang nalalapit na ang paglabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng bagyong Julian ay bahagyang humina ang epekto nito base sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon ng tanghali.

Napag-alaman na huling namataan ang tropical storm Julian sa 210 kilometers West ng Basco, Batanes na taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 115 kilometers kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers kada oras sa direksyong pa-kanluran.

Dahil sa paghina ng bagyo, inalis na ng PAGASA ang nakataas na public storm warning signal number 2 sa ilang lugar sa Northern Luzon.

Samantala, nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.