Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagyong ‘Kristine’ hindi tatama sa lupa

0 82

Kung hindi magbabago ang tinatahak na direksyon ng papasok na bagyong ‘Kristine’ na may international name na Haishen ay hindi ito tatama sa lupa at agad ding lalabas ng bansa patungo sa Japan, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA).

Huling namataan ang sama ng panahon 1,695 kilometro sa east northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 130kph at bugso na 160kph. Inaasahan na lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng umaga.

Sa loob ng susunud na 72 oras ay lalakas ang bagyong Haishen ngunit wala itong magiging direktang epekto sa bansa. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.