Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagyong ‘Lannie’ inaasahan bukas

0 165

Inalerto ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko sa pagpasok sa bansa ng isang severe tropical storm na may international name na ‘Mindulle’ ngayong Linggo o Lunes.

Sa oras na makapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ay tatawagin itong bagyong ‘Lannie’.

Sa huling monitoring ng Pagasa, ang bagyo ay namataan 1,905 km ang layo sa Southern Luzon, taglay ang lakas ng hangin na 95 kph at pagbugso na 115kph, at kumikilos sa bilis na 20kph.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Highly favorable conditions will allow the tropical cyclone to rapidly intensify within the forecast period. It may be upgraded to typhoon category within 24 hours and may reach a peak intensity of around 205 kph by Monday,” ayon sa Pagasa.

Bagama’t malakas ang bagyo, ang direksyon na tinatahak nito ay posibleng hindi mag-landfall at maaaring hindi direktang makaaapekto sa bansa.

Sa ngayon, ang easterlies ang weather system na umiiral sa bansa kaya nakakaranas tayo ng mainit na panahon. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.