Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagyong `Leon’ bibirit bago umalis

0 31

LUMAKAS pa ang bagyong Leon at isa nang severe tropical storm.

Patuloy pa itong pinalalakas ng habagat kaya asahan ang malalakas na pag-uulan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Huling namataan ang bagyo sa Coron, Palawan. Bahagya itong bumagal at kumikilos sa bilis na 10kph subalit taglay pa rin ang lakas ng hangin na 65kph at bugso na 80kph.

Palayo na ng kalupaan ang bagyo kaya inalis na rin ng PAGASA ang Signal No 1 sa Calamian Islands.

Gayunpaman, magdudulot pa rin ng pag-ulan ang bagyo sa Batanes, Babuyan Islands, Palawan kabilang ang Kalayaan, Calamian at Cuyo Islands, Occidental Mindoro,Oriental Mindoro,Romblon at Western Visayas. (Tina P. Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.