Abante Tonite Interactive

Bagyong Marilyn bumalik, may bagong LPA pa

302

Dulot ng hanging habagat ang nararansang pag-uulan sa malaking bahagi ng bansa na pinala­lakas ng dalawang low pressure area (LPA) kabilang ang bagyong Marilyn na inaasahang papasok muli ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa loob ng 48-oras.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang isang LPA ay ang dating bagyong Marilyn na nakalabas na sa PAR, humina at naging LPA pero sa wind forecast nito ang direksyong pabalik sa PAR.

Habang ang isa pang LPA ay namataan sa kanluran ng Zambales pero ayon kay Pagasa weather specialist Meno Mendoza mababa ang tsansa nitong maging bagyo.

Nasa labas naman ng PAR ang tropical storm na may international name na ‘Peipah’ pero maliit din ang tsansa na pumasok ito ng PAR.

Walang direktang epekto ang LPA at bagyo sa PAR subalit pinalalakas nito ang hanging habagat.

Asahan pa rin ang kalat-kalat na pag-uulan sa Central Luzon, Southern Luzon at Visayas region kabilang dito ang Metro Manila, Mimaropa, Calabarzon at Bicol. (Tina Mendoza)