Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagyong ‘Maring’ tatama sa CamSur

0 60

Isa nang bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa Camarines Sur at pinangalanang bagyong ‘Maring’.

Sa 5pm update ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) namataan ang bagyo sa Virac, Catanduanes, taglay ang lakas ng hangin na 45 km/h at bugso na 55kph.

Inaasahang magdadala ng malakas na pag-uulan ang bagyong ‘Maring’ sa Eastern Visayas, nagbabala ang Pagasa ng pagbaha at posibleng landslides.

Sa ngayon ay wala pang itinaas na storm warning signal subalit sa Sabado ay maaaring magpalabas ng Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) sa ilang lugar Northern Luzon.

Sa typhoon forecast ng Pagasa ay lalakas ang bagyong Maring sa Linggo at maaaring mag-landfall sa Babuyan Islands sa Lunes. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.