Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagyong Nikka binabantayan

0 407

Isang bagyo sa labas ng Philippine area of responsibility o PAR ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Ayon sa Pagasa, taglay nito ang lakas ng hangin na 55kph at bugso na nasa 70kph.

Hindi gumagalaw ang bagyo pero oras na pumasok ito ng PAR ay tatawagin itong bagyong Nikka.

Sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa bansa.

Kaugnay nito ay tatlong weather system ang umiiral ngayon na nagdudulot ng pag-uulan sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon pa sa Pagasa maliban sa aktibong hanging habagat ay dalawang low pressure areas (LPAs) ang nasa loob ngayon ng PAR.

Ang buntot umano ng LPA na hinahatak pa ng habagat ang siyang naghahatid ng katamtaman hanggang malalakas na pag-uulan sa Visayas, Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Bicol regions, Quezon, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Soccsksargen.

Ang unang LPA ay namataan sa Sangley Point sa Cavite habang ang isa ay nasa Virac Cantanduanes. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.