Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagyong Pepito bibirit hanggang Huwebes

0 216

Isinailalim ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) ang lalawigan ng Isabela at Aurora sa Storm Signal No 1 kasunod ng inaasahang landfall ng bagyong Pepito.

Sa weather forecast ng Pagasa, sa Miyerkules ng umaga ay nasa West Philippine Sea na ang bagyo ngunit lalakas pa ito at magiging severe tropical storm hanggang sa araw ng Huwebes.

SM food to go Banner Ad

Si `Pepito’ na ika-6 bagyong pumasok ngayong taon sa bansa ay huling namataan sa Virac, Catanduanes taglay nito ang lakas ng hangin na 45kph at bugso na 55kph.

Babala ng Pagasa, lalakas ang bagyo bago ang inaasahan landfall sa Martes sa Northern at Central Luzon area.

Sa Metro Manila ay makakaasa ng makulimlim na panahon na may tiyansa ng pag ulan sa hapon. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.