Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagyong ‘Rolly’ mas malakas kay ‘Quinta’

0 203

Nagbabala sa publiko ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa paparating na bagyong ‘Rolly’, na mas malakas ang impact kumpara kay ‘Quinta’.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa huling ulat, nakapasok na sa bansa ang bagyo at huling naispatan sa silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na 95 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 115 kph. Dagdag ng Pagasa, posibleng tahakin ng bagong bagyo ang dinaanan ni ‘Quinta’, na kumitil ng 16 katao at nag-iwan ng tinatayang P737 milyong pinsala sa agrikultura at imprastraktura.

Inaasahang magla-landfall ang bagyong Rolly bandang Quezon-Aurora area sa November 1. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.