Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baha sa Davao abot hanggang dibdib

0 183

NALUBOG sa baha ang ilang lugar sa Davao City nitong gabi ng Lunes, kasunod ng malakas na buhos ng ulan dulot ng localized thunderstorms.

Dahil dito, pinalikas ang mga residenteng pinasok ng baha ang kanilang bahay.

Sinabi ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office, na umabot hanggang dibdib ang lebel ng tubig sa Carlos P. Garcia Highway sa bahagi ng La Verna Subdivision.

Nasa baywang naman ang baha sa bahagi ng Kilometer 9 sa Barangay Sasa.

Kinaumagahan ay humupa naman ang baha sa maraming lugar.

Umabot sa 10 residente ang sinagip sa Panacan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.