Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baha sa Samar, inabot hanggang bubong

0 294

NAKARANAS ng matinding pagbaha, landslide at nawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Bikol at Eastern Visayas dahil sa Bagyong Bising.

Sa Catbalogan, Samar, ilang mga tindahan sa palengke ang hanggang bubong ang baha, habang ang iba naman ay napunit ng malalakas na hangin ang mga yero nito.

Sa Taft-Buray highway sa Paranas ay isinara na muna sa lahat ng uri ng sasakyan dahil hindi madaanan bunsod ng malaking banta umano ng landslides. Nawalan din ng kuryente ang ilang lugar doon nang magbagsakan ang mga poste.

Nasa 27,000 na nakatira malapit sa baybaying dagat at landslide-prone areas sa Catanduanes at Albay ang inilikas sa evacuation centers. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.