Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baha

0 123

Ilang araw na ring nag-uuulan kaya sa ayaw natin at sa gusto ay talagang mababasa ang ating mga pinakamamahal na awto.

Bad trip ‘ika nga pero wala tayong magagawa lalo pa nga’t napakahirap at napakapanganib magcommute ngayong pandemya bunga ng banta ng mas nakakahawa at nakamamatay na Delta variant ng COVID-19.

Kaya nga ba naisipan ko na bigyan na lang muna kayo ng ilang basic tips para matantiya ninyo kung hanggang saan ang taas ng tubig-baha ang puwedeng mailusong pa rin nang walang mangyayaring aberya ang mga minamanehong sasakyan.

Pinakamaselang bahagi ng sasakyan ang makina pagdating sa lusungan sa baha at pinakadelikadong component ng makina ay ang air filter.

Ang air filter kasi ay sumisipsip ng hangin galing sa labas ng makina upang itimpla ito sa pagsunog ng makina sa diesel o gasolina kaya pag ito ay nakasipsip ng tubig, siguradong kamot sa ulo ang may-ari ng sasakyan na madadale at kahit pa sabihing makumpuni nito ay kailangan niya pa ring bumili ng banig-banig na paracetamol bunga ng sakit ng ulo na parating.

Maselan din ang mga computer box lalo na ang mga modelong sasakyan dahil ito ang nagsisilbing puso na kapag nalublob sa tubig ay mangangahulugan ng matinding gastos sa may-ari.

Kung talagang hindi maiiwasan, puwede rin naman na ilusong sa baha ang mga sasakyan basta’t kabisaduhin lamang kung saang parte nakalagay ang air filter at computer box.

SM food to go Banner Ad

Bilang nagmay-ari na rin ng iba’t ibang brand ng sasakyan, parang standard na sa halos lahat ng Japanese at Korean brand na nakapantay sa cylinder head ng makina ang air cleaner/filter assembly kaya kung ito ang batayan sa paglusong baha, safe ang inyong sasakyan kahit pa hanggang kalahati na ng gulong ang tubig na susuungin.

Pero sa ilang van gaya ng Hi-Ace at Grandia sa modelong wala pang nguso, nasa baba sa kanan sa unahan ang air filter/cleaner kaya dapat ay hindi isapalaran ang mga ito sa tubig baha na mataas.

Pagdating sa computer box, halos nakapag-adjust na rin ang mga car manufacturer kaya nilagay na rin nila ito sa mataas na bahagi sa engine compartment bunga na rin ng mga karanasan na noong ang mga ito ay nasa mababang bahagi pa ay marami ang nadadale kapag bumabaha.

Bago lumusong ay tiyakin lamang na maayos ang kondisyon ng mga gulong dahil napakahalaga ng traction o kapit sa kalsada ng mga ito sa mga ganitong pagkakataon.

So ayan na guys, me konting tips na tayo.

Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.