Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bahagi ng EDSA ire-repair

0 231

Magsasagawa ng pagkukumpuni at reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bahagi ng EDSA.

Gagawin ito mula Abril 9 hanggang Abril 12 sa bahagi ng EDSA Muñoz, harap ng East West Bank & Floor Center, Shell, Goodyear, Shell Select & SkyMart.

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nasabing kalsada at gumamit ng alternatibong ruta.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, maaari nang madaanan ang mga apektadong kalsada pagpatak ng alas-5 ng madaling-araw sa Abril 12. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.