Abante Tonite Interactive

Bahagi ng EDSA isasarado sa road reblocking

351

Isasarado sa trapiko ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagsimula kagabi hanggang sa Lunes (Mayo 20) ang ilang kalye sa Metro Manila dahil sa gagawing road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaya’t asahan na ang masikip na daloy ng trapiko.

Dakong alas-11:00 kagabi ay sinimulan ang road reblocking sa southbound ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) patungong Aurora Boulevard Tunnel (2nd lane from MRT Line).

Sa northbound ng EDSA, apektado ang 50 meter pagkatapos ng Magallanes MRT hanggang KM 29 (outer­ lane) at mula KM 27+019 hanggang KM 26+921 (outer lane).

Abante Hiring – IT dep

Gayundin sa Edsa harapan ng Baliwag Transit hanggang New York St. (1st and 2nd lane from the sidewalk) at C-5 Road harapan ng SM Aura/Market-Market.
Ang apektadong mga lugar ay magiging passable lamang sa araw nang Lunes ng alas-5:00 nang mada­ling-araw.

Ipinayo ng MMDA sa mga motorista na iwasan ang nabanggit na mga lugar para hindi maabala sa trapik.(Armida Rico)