Abante Tonite Interactive

Bahagi ng Great Wall sa China, bukas na sa uli sa mga turista

558

Muling binuksan ngayon ang Badaling section ng Great Wall of China sa publiko. Ang mga papasok na turista ay hinihingan ng ID at health code bago makapasok at kailangang magsuot ng masks at sumunod sa itinakdang climbing route. Inutos din ang social distancing na 1 metro sa mga turista.

Ang Badaling section ng pamosong Great Wall ay mula sa kahabaan ng Bei Liu Lou hanggang Nan Wu Lou Ban ay bukas araw-araw mula 9 a.m. hanggang 4 p.m.

Umaabot sa 10 million people ang nagiging bisata ng Great Wall kada taon. Ang UNESCO World Heritage Site ay sinarado noong Enero 25 nang magsimulang kumalat ang coronavirus epidemic sa China.