Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bahagi ng LRA office nasunog

0 55

Nasunog ang bahagi ng Land Registration Authority (LRA) sa kanto ng East Avenue at NIA Road sa Quezon City Linggo umaga.

Ayon kay Fire Chief Insp. Joseph Del. Mundo, chief of operations ng Bureau of Fire Protection-QC, ang nasunog ay ang IT office sa ikalawang palapag ng gusali, na pagmamay-ari ng pribadong kompanyang subcontractor ng LRA.

Walang naiulat na nasaktan at inaalam na kung may nadamay na land title sa nangyaring sunog na posible umanong dahil sa electrical wiring. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.