Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bahay-Bahay na Bakuna

0 133

Bagaman nagluwag na ang quarantine restrictions sa malaking bahagi ng bansa, ipinapayo pa rin ng mga medical expert na magpabakuna kontra Covid-19 para maiwasan ang muling paglobo ng bilang ng nagkakasakit nito.

Sa World Health Organization o WHO na mismo galing ang abiso, magpaturok ng Covid-19 vaccine para makaiwas sa banta ng pandemya lalo pa’t may mga nadidiskubre pang bagong variants nito.

Available na ang 2nd booster shot sa buong bansa. Ang ilang lokal na pamahalaan, binuksan ito sa lahat ng priority groups. Pero may iba rin namang nagpatupad base sa direktiba ng DOH. Dito sa Tanza, Cavite, inuna sa listahan ang mga immunocompromised patient o ‘yung mga may undergoing treatment gaya ng may cancer, kidney failure at HIV.

Agad ding isinunod ang mga nasa A1 at A2 priority groups o ‘yung mga medical frontliner at senior citizens.

Ang masaklap, readily available ang mga bakuna pero halos langawin ang mga vaccination site. Kaya ang diskarte sa Tanza, mga vaccinator na mismo ang nagha-house-to-house para mailapit ang bakuna sa mga residente.

Sinusuyod nila ang kasuluksulukan ng kada barangay. Pati mga bahay sa tabing dagat, niroronda.

SM food to go Banner Ad

Halos ilako na na nga ng vaccination team ang bakuna para manatiling protektado ang mga residente.

Ayon kay Dr. Ruth Punzalan, Municipal Health Officer – Tanza, “Pinapataas po ang proteksyon, ‘yung herd immunity kasi alam naman po natin na kapag lumipas ang panahon, bumababa na po yung level ng anti-body kaya kailangang i-boost para tumaas ang proteksyon natin against, or protecting us from acquiring the virus.”

Maraming pagpipiliang bakuna para sa mga immunocompromised patient, basta dapat naka-tatlong buwan makalipas ang 1st booster.

Samantala, Pfizer at Moderna ang available vaccines para sa mga nasa A1 at A2 priority groups. Apat buwan naman ang pagitan mula sa 1st booster shot ng medical frontliners at senior citizens.

Sa ngayon, 85% pa lang ng target na mahigit 216,000 na Tanzeño ang nababakunahan. Ibig sabihin, hindi pa rin naaabot ang herd immunity. Sinisikap ng RHU Tanza na maturukan ng primary vaccine ang lahat ng residente ngayong June.

Sa ganitong pagkakataon, kooperasyon ng bawat isa ang kailangan para matuldukan na ang banta ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.