Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bahay-bahay na community pantry sinegundahan ng PNP

0 220

Sinuportahan kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang panukala ng mga pantry organizer na i-deliver na lang ang mga donasyong pagkain sa bahay-bahay ng mga tao upang hindi na lumabas ng bahay ang mga lalo na ang mga senior citizen at hindi ma-expose sa COVID-19.

“Maganda rin yung suggestion na yan na i-bahay-bahay na lang para hindi na maglabasan ang mga tao sa daan,” pahayag ni PNP Spokeperon Brig. Gen. Rolando Olay sa isang panayam.

Aprubado din kay Olay ang suhestiyon na ang mga kaanak na lang ng mga senior citizen ang kukuha ng mga pangunahing pangangailangan sa mga community pantries dahil sa age restrictions sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pabor din si Olay na dapat ang community pantry organizers ay dapat magkaroon ng koordinasyon sa mga local government units upang hindi na maulit ang insidente ng pagkamatay ng 67-anyos na lolong inatake habang nakapila sa community pantry sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Humingi na ng paumanhin si Locsin sa nangyari at hindi naman nito pinabayaan ang pamilya ng nasawi. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.