Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bahay-bahay na parangal

0 128

Julius M. Segovia

Nasa Modified GCQ na ang lalawigan ng Cavite. Ibig sabihin, balik-operasyon na ang maraming negosyo.

Pero bawal pa rin ang mass gatherings. Kaya iba ang naisip na paraan ng mga miyembro ng SK Federation sa Barangay Santol sa bayan ng Tanza, Cavite.

Ikalawang taon na nila ito ng pagbibigay-parangal at pagkilala sa mga natatanging mag-aaral sa kanilang barangay. Imbes magkaroon ng actual recognition, ginawa nila itong house-to-house.

Sa pangunguna ng Chairman na si JR Apellanes, nagbahay-bahay ang SK members para kilalanin at parangalan ang mahigit walumpung natatanging mag-aaral at board passers sa Barangay Santol.

Bitbit nila ang medal of excellence, certificate of recognition at cash gift para sa mga awardee.

Kasama ni JR sa house-to-house recognition ang bumubuo ng SK Federation.

Binigyan din nila ng hygiene kit kasama na ang face mask, face shield, alcohol at hand soap ang mga awardee.

Paraan daw ito ng SK ng Barangay Santol para mas maengganyo ang kabataan na mag-aral nang mabuti.

May mensahe si Apellanes sa mga ginawaran nila ng pagkilala, ‘Patuloy n’yong pahalagahan ang inyong pag-aaral at edukasyon sapagkat ang edukasyon na ‘yan ang magiging susi ng inyong tagumpay.’

Abut-abot naman ang pasasalamat ng mga mag-aaral at kani-kanilang mga magulang sa natanggap na parangal.

Ang SK Federation naman ng mga Barangay Julugan I, III at VII sa bayan pa rin ng Tanza, namahagi ng face mask, face shield, alcohol at sanitizer sa kanilang mga nasasakupan.

Ang sa akin lang, masayang isipin na katuwang ng lokal na pamahalaan ang SK Federation sa paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic. Nakaka-proud din na may iba silang stratehiya para makatulong sa kapwa-tao at sambayanan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.