Abante Tonite Interactive

Bahay binato, may-ari binaril pagsilip sa nambato

540

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang suspek matapos silipin ng una kung sino ang nambato sa kanyang bahay sa Caloocan City kamakalawa nang gabi.

Dead on the spot si Rustico Moldez Jr., nasa hustong gulang, residente ng Phase 9, Package 5 Block 48, Lot Excess, Brgy. 176 Bagong Silang, Caloocan City matapos magtamo ng mga bala sa ulo at katawan.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga pulis sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek at kanyang kasabwat na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa nakarating na ulat kay Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, naganap ang pamamaril bandang-8:00 nang gabi.

Habang nasa loob ng kanyang bahay ang biktima ay may nagbato ng isang matigas na bagay na na­ging dahilan para lumabas ito at tingnan ang nambato.

Subalit nang buksan niya ang kanilang gate, isa sa mga suspek na armado ng baril ang naghihintay sa labas at pinagbabaril ito sa katawan. (Vick Aquino)