Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bahay hinagisan ng granada: 1 patay, 2 kritikal

0 395

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang dalawa nitong kaanak matapos na hagisan ng granada ang kanilang bahay ng hindi pa kilalang suspek habang mahimbing silang natutulog Huwebes ng madaling araw sa Zamboanga City.

Dead on the spot ang isa sa biktimang si Radzkil Assari, habang kasalukuyang inoobserbahan sa Zamboanga City Medical Center ang dalawa nitong kaanak na sina Mohammad Jainal Ammad Y Asid at Ersad Asari, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Sitio Baluno, Brgy. Bunguiao.

Naganap ang insidente alas-dos ng madaling-araw habang nasa mahimbing na tulog ang mga biktima nang hagisan ng granada ng hindi pa kilalang suspek ang bahay ng mga ito.

Nagulantang ang mga kapitbahay sa malakas na pagsabog at nang tingnan doon na nakita si Assari na wala nang buhay habang ang dalawa nitong kasamahan ay nakita ding may tama mula sa shrapnel ng sumabog na granada.

Isa sa tinitignang motibo ng pulisya sa krimen ay personal na alitan ng isa sa mga suspek pero sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon para sa posibleng pagkilala sa suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.