Abante Tonite Interactive

Bahay, kalat, bundok

545

Dear Dream Catcher,
Nanaginip po ako na nasa isang bahay ako. Hindi ko alam kung kaninong bahay ‘yun. Makalat ang bahay at nagkalat ang mga gamit at damit.

Kumuha ako ng unan at nilabhan ko. Tapos napadpad ako sa lugar na parang bundok na marumi rin. May mga kabayo na dumadaan basa po ang lahat at madumi po talaga ang paligid.

May underpass po akong nakita at doon dumadaan ang kabayo madumi din doon. Tapos may isang babae na nagsabi sa akin na dumaan ako doon hanggang sa nakita ko ang katrabaho ko at sabi nya wag ako pumasok.

Tapos bumaba ako ng bundok na dala-dala ko pa rin ang unan. Bumaba raw ako ng bundok at umakyat din.

Hirap na hirap ako pero nakaakyat po ako. Nakita ko ang katrabaho ko na parang galit po ang itsura nya at sabi nya: Sige na nga ako na magbabayad. Binayaran nya ng P250 ‘yung babae babae. Sana matugunan nyo ang panaginip ko.
Rosalyn
Rosalyn,

Ang bahay sa panaginip ay kadalasang sumisimbolo sa ating sarili partikular sa ating inner self. Kung magulo ang bahay sa iyong panaginip, indikasyon ito na may pinagdaraanan kang stress at iba pang negatibong emosyon.

Related Posts

Ang iyong panaginip ay maaari ring ikonek sa pangangailangang maging mas organisado. Maaring nagpapaalala ang iyong subconscious na marami kang dapat ayusin sa buhay mo, personal man o propesyunal na aspeto ng buhay. Dahil hindi mo naman sariling bahay ang iyong napanaginip, maaring isang tao sa buhay mo ang nagiging pabigat sa iyo at baka siya ang kailangan mong alisin sa buhay mo.

Ang mga kabayo naman na tumatakbo ay sumisimbolo sa freedom at maikokonek ito sa pangangailangan mo na mairelis ang mga pini-pigil mong emosyon. Ang nagtatakbuhang kabayo ay maari ring ikonek sa iyong gols sa buhay.

Sinabi mong marumi ang tunnel na kailangang daanan ng mga kabayo at ito’y tulad din ng dumi sa bahay na unang bahagi ng iyong panaginip. Kailangan mong linisin, gawing organisado ang tinatakbo ng iyong karera (career).

Ang bundok naman ay sumisimbolo sa mga hadlang, hamon at anumang obstacles o trials na pinagdaraanan mo.

Sinabi mong hirap na hirap ka sa pagbaba at hirap na hirap ka rin sa pag-akyat. Ang pag-akyat sa bundok ay maikokonek sa pagsisikap mong malagpasan anumang hamon ng buhay.

Habang ang pagbaba sa bundok ay representasyon naman na may tendency ka na umatras sa anumang intensyon mo at parang ikaw mismo ang pumipigil sa sarili mo.
Dream Catcher