Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bahay naabo sa iniwang cellphone charger

0 524

Pinaliyab ng napabayaang naka-charge na cellphone ang isang bahay sa Barangay Biasong, Dakbayan, Talisay, Cebu, Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay Fire Officer 1 Renzon Fier, imbestigador ng Talisay City Fire Station, mabuti na lang at nagising si Raymunda Abrea, 50-anyos nang maramdaman ang init ng pagliliyab ng kanyang bahay.

Nasunog ang bahay alas-5:45 Biyernes ng madaling araw sa Purok Sunflower, Barangay Biasong, Dakbayan, Talisay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Abrea, posibleng sa kanyang labandera ang naiwang naka-charge na cellphone dahil matapos kumain ay umalis na agad ito na posibleng siyang dahilan ng pagkasunog ng kanyang bahay.

Wala namang nasugatan sa naganap na sunog at wala ring kapitbahay na naapektuhan dahil mabilis itong naagapan. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.