Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bahay ng nakaaway niratrat, nene bulagta

0 71

Patay ang 11-anyos na babae matapos tamaan ng bala ng ratratin umano ng isang lalaki na nauna ng nakaaway ng mga tiyuhin ng una ang kanilang bahay, Linggo ng gabi sa bayan ng Badiangan, Iloilo.

Sinubukan pang dalhin sa pagamutan si Mary Jane Yocongco, 11, subalit idineklara na itong dead on arrival dahil sa tinamong bala sa ulo at batok.

Nadakip naman ang suspek sa pamamaril na si April John Valle, 33.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Ma. Doreen Losaria, hepe ng Badiangan Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente nang ratratin ang tinutuluyang bahay ng pamilya ng biktima.

SM food to go Banner Ad

Nag-ugat ang krimen nang magtalo sa kalsada ang suspek at mga tiyuhin ng biktima matapos na masagi ng trak na sinasakyan ng mga kaanak ng biktima ang motorsiklo na minamaneho ng suspek.

Itinanggi ng suspek ang krimen subalit may saksi umanong magpapatunay na siya ang namaril. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.